WAMY - Philippines

Articles (Tagalog)
16
Jan
2010
Mga Tungkulin ng isang Muslimah PDF Print E-mail

Isinulat ni: Desiree “Hayat” Lugod    Isinaayos ni: Dan Vincent “Abdurrahman” Ong

Ang papuri ay sa Allah lamang; pinupuri natin siya at hinihingan ng tulong at kapatawaran. Tayo'y nagpapakupkop sa Allah mula sa kasamaan ng ating mga sarili at mula sa kasamaan ng ating mga gawa. Sinumang gabayan ng Allah ay walang sinumang makapagliligaw sa kanya, at sinumang hindi gabayan ng Allah ay walang sinumang makapaggagabay sa kanya. Ako ay sumasaksi na walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban lamang sa Allah, Siya'y walang anumang katambal, at ako ay sumasaksi na si Muhammad (saw) ay Kanyang alipin at sugo.

Ang isang Muslimah bilang alipin ng Allah ay nararapat siyang maging masunurin sa mga pinag-uutos ng Allah at dapat niyang iwasan ang mga pinagbabawal ng Allah. Ang pagsasagawa sa mga pinag-uutos ng Allah ay nararapat itong gawin ng may Ikhlas(taos sa puso), at naaayon ito sa pamamaraan ng propeta (saw). Ang isang Muslimah ay nararapat lamang na itanim niya sa kanyang puso ang tunay na pananampalataya at tunay na pagkatakot sa Allah dahil ito ay makakatulong sa pag-iwas sa mga masamang Gawain at ito din ang daan upang magkaroon ng mabuting kaugalian. Bilang Muslimah ay nasa kanyang isip, na ang pagsunod sa Allah ay may ka-akibat na gantimpala at ang pagsuway naman sa Allah ay may karapatang kaparusahan. Magkaroon tayo ng pag-asa sa Paraiso at pagkatakot sa kaparusahan sa Impyerno.

Read more...
 
16
Jan
2010
Ang Mortal na Kaaway ng Tao PDF Print E-mail

Isinulat ni: Jomer Ajuji

Nang ibinaba ng Allahu subhaanahu wa taala si iblis mula sa mga anghel sa paraiso, at ipinagbawal sa kanya ang paraiso, siya'y bumaba sa lupa ng kahamak hamak at isang hindi marangal na nilalang, at isinumpa sa kanya ang impiyerno dahil sa pagsuway niya sa kautusan ng Allah na magpatirapa kay propeta Adam (alaihi assalaam).

Dahil dito tayo'y inutusan na Allah na huwag sumunod sa kanya at kanyang mga tagapagsunod at kakampi (mula sa nilalang na jeen at tao), at ituri siyang bilang isang kaaway na mortal ng tao. Sabi ng Allah sa banal na qur'an:

يا بني آدم لا يفتننكم الشيطان كما أخرج أبويكم من الجنة ينزع عنهما لباسهما ليريهما سوءاتهما إنه يراكم هو وقبيله من حيث لا ترونهم إنا جعلنا الشياطين أولياء للذين لا يؤمنون

"O children of Adam, we let not Satan tempt you as he removed your parents from Paradise, stripping them of their clothing to show them their private parts. Indeed, he sees you, he and his tribe, from where you do not see them. Indeed, We have made the devils allies to those who do not believe'

Read more...
 
23
Dec
2009
Ang Kapangyarihan at Kasiyahan PDF Print E-mail

Isinulat ni Dan Vincent “Abdurrahman” Ong

Bismillahir Rahmanir Raheem (Sa Ngalan ng Allah ang Mahabagin ang Maawain) 

Ang Papuri ay tanging sa Allah lamang, ang tanging nagmamayari ng kapangyarihan at kasiyahan sa mundong ito at sa kabilang buhay, ang pagpapala at kapayapaan ay mapasa Propeta Muhammad (saw) at sa kanyang pamilya sa kanyang mga kasamahan at sa lahat ng sumusunod sa kanya.

Dalawang bagay ang minimithi at inaasam-asam ng mga tao sa mundong ito, at masasabi ntin na karamihan sa atin ay suma sang-ayon sa dalawang bagay na ito: ito ay ang kapangyarihan at kasiyahan, bata man o matanda, mahirap man o mayaman, lalake man o babae, may kaalaman man o wala lahat sila ay naghahangad ng kapangyarihan at kasiyahan sa mundong ito. Pero ang Tanong paano ba makakamtan ng isang tao ang totoong kapangyarihan at kasiyahan sa mundong ito?, na kung saan magkakaroon sya ng ka-kontentuhan at panatag na puso..

 Ang sagot: ito ay makakamtan ntin sa pagbabalik loob sa Allah (swt), tunay na pananampalataya sa kanya at pgsunod sa kanyang mga ipinag-uutos, at paggawa ng kabutihan..

Read more...
 
30
Aug
2009
Ang Kahigitan ng Pag-aayuno at ng Buwan ng Ramadhan PDF Print E-mail

Dan OngIsinulat ni  Dan Vincent Ocenar Ong, (WAMY Scholar), Jamiatol Imam Student (Jakarta, Indonesia)

Ang papuri ay tanging sa Allah lamang na siyang Diyos ng sanlibutan. Nawa’y ipagkaloob ng Allah ang kapayapaan at biyaya sa huling sugo na si propeta Muhammad ( sumakanya nawa ang kapayapaan ).

Tunay na isa sa pinakahigit at dakilang gawain para sa Allah (swt) ay ang pag-aayuno kaya naman ang Islam ay lubos na nag-aanyaya upang isagawa ito at ginawa niya itong isa sa mga dakilang haligi ng Islam. Ang Allah (swt)  ay nagwika na ang pag-aayuno ay hindi dapat ipagsawalang bahala ng lahat ng nasyon dahil sa pag-aayuno magiging mabuti ang kaugalian, panatag ang sarili at pagkakaroon ng pagtitimpi. Ang Allah (swt) ay nagwika :

Read more...
 
24
Aug
2009
Masaganang Pagsalubong sa Buwan ng Ramadhan PDF Print E-mail

 By: Dan Vincent Ocenar Ong (WAMY Scholar), Jamiatol Imam Student (Jakarta, Indonesia)

DanOngAng papuri ay tanging sa Allah lamang na siyang Diyos ng sanlibutan. Nawa’y ipagkaloob ng Allah ang kapayapaan at biyaya sa huling sugo na si propeta Muhammad ( sumakanya nawa ang kapayapaan ).

Parating na naman ang pinakamainam na buwan sa lahat ng buwan dahil sa buwang ito ibinaba ng Allah (swt) ang banal na Qur’an na siyang liwanag at gabay sa sanlibutan. At sa buwang ito dodoblehin ng Allah ang kaniyang mga biyaya at papatawarin ng Allah ang mga kasalanan. Sa buwang ding ito bubuksan ang mga pintuan ng paraiso at isasarado ang mga pintuan ng impiyerno, kaya naman huwag pabayaang lumipas ang buwan ng Ramadhan maliban na lamang na tayo ay nagsasagawa ng mga ipinag uutos ng Allah at para hindi tayo mabilang sa mga taong lugi sa buwan na ito. Para maging mabuti at masagana ang pagsalubong natin sa buwang ito ay karapat-dapat na maging mabuti ang ating intensiyon at salubungin ito ng may pananampalataya.

Read more...
 


Short Stories

Abu Bakr said: During our Hijra, I was so thirsty. I brought milk and handed it over to the prophet and I said to him: O Messenger of Allah, drink from it. And the prophet drank from it until I was fully satisfied. “Your eyes will not tell a lie……. what you see and what you feel is right.”  Have you ever tasted this kind of love? It is such an exceptional love. Where are we in this kind of love for a friend?

Who's Online

We have 27 guests online

WAMY Riyadh
World Assymbly of Muslim Youth, Riyadh, Saudi Arabia .
WAMY Dammam
World Assymbly of Muslim Youth, Dammam, Saudi Arabia .
WAMY Malaysia
World Assymbly of Muslim Youth, Dammam, Saudi Arabia .
WAMY UK
World Assymbly of Muslim Youth, United Kingdom .
WAMY Sout Africa
World Assymbly of Muslim Youth, Sout Africa .

Qur'an Verse

"On the Day when every soul will be confronted with all the good it has done, and all the evil it has done, it will wish there were a great distance between it and its evil. But Allah cautions you (To remember) Himself. And Allah is full of kindness to those that serve Him." - Al-Qur'an, 003.030 (Aal-E-Imran [The Family of Imran])